Napanalunan ni Chelsea Manalo ang National Costume Award sa Miss Universe 2024.

Masayang ibinalita ito ng international pageant kanina ang nasabing balita, kabilang ang video compilation ng Top 3 awards.

Ayon sa Miss Universe, ang pagkakaroon ng national costume sa pageant ay paraan para sa mga contestants na maibahagi ang kuwento ng kanilang bansa, ang kanilang mga tradisyon, at values sa buong mundo.

Tinawag na “Hiraya,” na gawa ni Manny Halasacan, inilalarawan nito ang Islamic art, tampok ang Puni, pinakasikat na art form sa Bulacan, at may imahe ng Our Lady of Antipolo o Our Lady of Good Voyage.

Kasama rin dito ang beaded boat headpiexce na sumisimbolo sa Galleon trade, kung saan ang mga barko mula sa Manila papuntang Mexico ay ipinakilala ang kalakalan sa bansa.

-- ADVERTISEMENT --