TUGUEGARAO CITY-Muling isusulong ni Kalinga Rep. Allen Jesse Mangaoang ang Chico River Based Authority kung saan planong gawan ng Mega Dike sa Lower Tabuk.
Ayon kay Mangaoang , ito ay para tulungan ang 16 na Brgy ng Lower Tabuk maging ang ibang Brgy ng Pinukpuk na laging binabaha.
Aniya,gagawa ng dike na may habang 18kilometers na magsisimula sa Brgy Calanan sa Tabuk City hanggang sa brgy camalog sa pinukpuk at may width na 500 hanggang 550 meters.
Sinabi ni Mangaoang na bukod sa layuning maiiwas sa pagbaha ang publiko gagawin din umano itong tourist spot dahil sa ganda ng tanawin mula sa proyekto.
Bukod dito, isusulong din umano ni Mangaoang ang pagsasaayos sa provincial hospital ng Kalinga dahil sa ngayon aniya ay madumi at magulo umano ang naturang pagamutan.
Aniya, pag-uusapan umano nila kasama ang mga bagong elected officials ang naturang usapin para maging komportable ang mga pasyante sa ospital habang nagpapagamot.
Kaugnay nito, siniguro ni Mangaong na mapapalitan ng magandang imahe ang Kalinga.
Paliwanag ni Mangaong na ang nasabing proyekto ay multi-funding o kada taon ay may inilalaan na pondo upang masiguro na bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte ay matatapos na ang proyekto.