TUGUEGARAO CITY-Nasagip ng 86th Infantry Battalion, Philippine Army ang isang 17-anyos na itinuturing na Child Warrior dahil ginagawang utusan ng New Peoples Army (NPA) sa Echague, Isabela.

Ayon kay Major Noriel Tayaban, tagapagsalita ng 5th Infantry Division, Philippine Army, nasagip ang batang warrior na si “Ka MAcoy” kasunod ng naganap na engkwentro ng militar at NPA sa Barangay San Carlos, Echague, ISAbela.

Aniya,nang magsagawa ng hot pursuit operation ang hanay ng kasundaluhan at nakitang naiwan si Ka Macoy sa lugar.

Nakuha sa Child warrior ang isang M16 rifle, apat na long magazine na naglalaman ng iba’t-ibang bala, mga dokumento at marami pang iba.

Aminado naman umano si “Ka Macoy” na miembro siya ng makakaliwang pangkat kung saan siya ang ginagawang utusan mula nitong 2018.

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon , nasa kustodiya na ng Echague Police Station si Ka macoy.

Samantala, sinabi naman ni Tayaban na isa lamang propaganda ang unang naging pahayag ng Karapatan Cagayan Valley sakanilang facebook account na sapilitang kinuha ang 17-anyos na child warrior.