Binangga ng China Coast Guard (CCG) ang barko ng Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) malapit sa escoda o Sabina Shoal sa West Philippine Sea kahapon ng hapon.

Nangyari ang pagbangga ng CCG ship sa BRP Dau Sanday sa nasa 10 nautical miles mula sa Escoda Shoal.

Bukod dito, nagpakawa din ng water cannon ang isa pang barko ng CCG sa BRP Datu Sanday habang papunta sa nasabing shoal.

Ginamitan din ng anim pang CCG vessels ng water cannons ang nasabing barko ng BFAR.

Ayon naman sa CCTV, state broadcaster ng China, iligal umano na pumasok ang barko ng BFAR sa katubigan malapit sa Xianbin Reef sa Nansha Islands na walang pahintulot mula sa Chinese government.

-- ADVERTISEMENT --

Ang Xianbin Reef ay tumutukoy sa Sabina Shoal at sa Spratly Islands.