
Bumuwelta si Deputy Spokesperson of the Chinese Embassy in Manila Guo Wei sa pahayag ni Senador Erwin Tulfo na walang karapatan ang Chinese Embassy officials na sitahin ang mga opisyal ng gobyerno ng Pilipinas.
Partikular ang aniya’y mga pahayag ng ilang senador at ng Philippine Coast Guard (PCG) hinggil sa pangangamkan ng Tsina sa mga teritoryo ng Pilipinas.
Sa statement ng Embahada ng China, sinabi ni Guo kung may karapatan sa freedom of expession ang senador, may karapatan din aniya sila na magdepensa.
Iginiit pa ni Guo na tila hindi alam ni Tulfo ang diplomasya at ang papel ng foreign embassies, kaya dapat aniyang magdahan-dahan ito sa pagkokomento.
Una na ring sinabi ni Tulfo na walang freedom of speech sa China dahil ang mga kritiko aniya doon ay ikinukulong, ang media ay pinapatahimik, at ang opinyon kinokontrol.









