
Pinag-iingat ng Philippine Coast Guard (PCG) ang lahat ng barko at sasakyang pandagat na dadaan sa ilang bahagi ng karagatan ng bansa kaugnay ng nakatakdang rocket launch ng China.
Ayon sa PCG, batay sa memorandum mula sa Philippine Space Agency (PhilSA), ilulunsad ng People’s Republic of China ang LONG MARCH 7 rocket mula sa Wenchang Space Launch Site sa Hainan sa May 11, 2026, sa pagitan ng 8:05 a.m. hanggang 8:29 a.m. (oras sa Pilipinas).
Batay pa sa navigational warning ng PCG, posibleng bumagsak ang debris sa mga itinakdang drop zones na nasa humigit-kumulang 34 nautical miles mula Bajo de Masinloc, 97 nautical miles mula Cabra Island sa Occidental Mindoro at 130 nautical miles mula Busuanga, Palawan.
Maaalalang nito lamang Marso, inilunsad ng China ang kanilang Long March 8A rocket.










