Nagsagawa ng military drill ang China kung saan ipinadala ang army, navy, air at rocket forces nito sa paligid ng Taiwan.
Ayon kay Senior Colonel Shi Yi, spokesman ng Chinese military Eastern Theater Command na layon nitong subukan ang blockade sa self-ruled island.
Matatandaan na iginigiit ng China na bahagi ng teritoryo nito ang Taiwan at nagbabala na gagamitan ng pwersa para kontrolin ito.
Sinabi ng defense ministry ng Taiwan na ipinadala ng Beijing ang Shandong aircraft carrier group nito bilang bahagi ng 19 warships sa palibot ng Taiwan.
Kasama ang “sea-air combat-readiness patrols, joint seizure of comprehensive superiority, assault on maritime and ground targets, and blockade on key areas and sea lanes.
-- ADVERTISEMENT --