Nakapagtala ang China ng pinakamabagal na paglago sa loob ng isang taon kasabay ng paghirap din ng Beijing na patatagin ang ekonomiya na tinamaan ng mabagal na paggasta at patuloy na problema sa sektor ng ari-arian.

Sa mga nakaraang linggo, inilabas ng mga opisyal ang serye ng mga hakbang upang buhayin ang ikalawang pinakamalaking ekonomiya sa mundo, na may layuning makamit ang limang porsyentong taunang paglago.

Ngunit matapos ang isang mabilis na pagtaas ng merkado unti-unting nawala ang optimismo habang hindi nagbigay ang mga awtoridad ng tiyak na halaga para sa bailout o detalye sa anumang pangako.

Sinabi ng Pambansang Tanggapan ng Estadistika (NBS) ng Beijing na ang ekonomiya ay lumago ng 4.6 porsyento taon-sa-taon sa ikatlong kwarter, bumaba mula sa 4.7 noong nakaraang tatlong buwan at ang pinakamabagal simula noong unang bahagi ng 2023, nang ang Csina ay umuusad mula sa mahigpit na zero-Covid policy.

Gayunpaman, bahagyang mas mataas ito kaysa sa 4.5 porsyentong hula ng mga analyst na sinuri ng AFP.

-- ADVERTISEMENT --

Bago ang mga datos, iniulat ng mga state media na ang mga pangunahing bangko ng bansa ay nagbawas ng mga interes sa deposito ng yuan sa ikalawang pagkakataon ngayong taon.

Sinabi ng Beijing na mayroon silang “kumpletong tiwala” sa pagkamit ng kanilang taunang layunin sa paglago, ngunit sinasabi ng mga ekonomista na kailangan ng mas direktang pampinansyal na stimulus upang buhayin ang aktibidad at ibalik ang kumpiyansa ng negosyo.

Sa mga nakaraang linggo, nakitang inilabas ng mga awtoridad ang isang serye ng mga hakbang upang maglaan ng pondo sa ekonomiya, kabilang ang mga pagbabawas ng rate at mga pinagaan na restriksiyon sa pagbili ng bahay.

Ngunit ang mga mamumuhunan ay humihiling ng mas maraming detalye kung paano ililipat ng Beijing ang ekonomiya nito patungo sa isang modelo na nakabatay sa pagkonsumo na makakapagpanatili ng pangmatagalang paglago.