Nangunguna ang China sa medal standing sa Paris Olympics 2024.
Sa kasalukuyan ay may 11 golds, 7 silvers at 6 na bronze o kabuuang 24 medals ang China.
Sumunod ang US na may 9 golds, 15 silvers at 13 bronzes, pangatlo ang France na may 8 golds, 11 silvers at 8 bronze, pang-apat ang Australia na may 8 golds, 6 silvers at 4 bronze habang panglima ang Japan na dati ay nangunguna sa unang mga araw ng kompetisyon na may 8 golds, 3 silvers at 5 bronze.
Pang-anim naman ang Great Britaina na may 6 golds, 7 silvers at 7 bronze, pangpito ang South Korea na may 6 golds, 3 silvers at 3 bronze, pangwalo ang Italy na may 5 golds, 7 silvers at, 2 bronze, pangsiyam ang Canada sa 3 golds, 2 silvers at 3 bronze at pangsampu ang Germany na may 2 golds, 2 silvers at 2 bronze.
Samantala, sumasandal pa ang Team Philippine sa mga natitirang atleta para sa inaasam na medalya sa Paris Olympics.