Pinabulaanan ng China na nakatanggap ito ng kahilingan para sa asylum mula kay dating Pangulong Rodrigo Duterte at kanyang pamilya.

Sinabi ni Guo Jiakun, Chinese Foreign Ministry spokesperson na ang pagbisita kamakailan ni Duterte sa Hong Kong ay isang pribado, at wala itong natanggap na anumang aplikasyon para sa asylum.

Matatandaan na pumunta sa Hong Kong si Duterte noong March 7 para dumalo sa event ng Overseas Filipino Workers (OFWs).

Sa nasabing araw, naglabas ang Pre-Trial Chamber I ng International Criminal Court ng warrant of arrest laban sa dating pangulo.

Inaresto si Duterte noong March 11 sa Ninoy Aquino International Airport nang dumating siya kasama ang kanyang partido mula sa Hong Kong.

-- ADVERTISEMENT --