Pinabulaanan ng China ang pahayag ng National Security Council (NSC) na nanghihimasok ang Beijing sa meditem elections ng Pilipinas.

Sinabi ni Chinese foreign ministry spokesperson Guo Jiakun sa isang press conference na sinusunod ng China ang prinsipyo na hindi makikialam o manghihimasok sa usaping panloob ng ibang bansa.

Iginiit ng opisyal na wala silang interes na manghimasok sa eleksyon sa Pilipinas.

Reaksion ito ng China sa sinabi ni NSC spokesperson Assistant Director General Jonathan Malaya sa pagdinig ng Senado tungkol sa submersible drones at pang-eespiya umano ng Beijing, na may mga indikasyon na may ginagawang information operations ng Chinese state-sponsored sa ating bansa at nanghihimasok ang mga ito sa eleksyon.

Idinagdag pa ni Malaya ang nasabing mga operasyon umano ay para palakasin ang mga nais nilang manalo na kandidato at sinisiraan naman ang mga nais nilang matalo.

-- ADVERTISEMENT --

Isiniwalat din ni Malaya na kilala nila ang mga kandidato na may suporta mula sa China.