FILE - In this April 12, 2018, file photo released by Xinhua News Agency, Chinese President Xi Jinping, left, speaks after he reviewed the Chinese People's Liberation Army (PLA) Navy fleet in the South China Sea. From Asia to Africa, London to Berlin, Chinese envoys have set off diplomatic firestorms with a combative defense whenever their country is accused of not acting quickly enough to stem the spread of the coronavirus pandemic. (Li Gang/Xinhua via AP, File)

Sinimulan na ng China ang dalawang araw na military exercises sa palibot ng Taiwan bilang parusa umano sa ‘separatist act’ ng self-ruled island.

Ang nasabing drills ay tatlong araw matapos ang inauguration ni President William Lao, na tinawag ng Biejing na ‘dangerous troublemaker’.

Kinondena ng defence ministry ng Taiwan ang nasabing drills ng China at binigyan diin na ito ay ‘irrational provocations’.

Binigyan diin ng defence ministry na hindi sila naghahanap ng kaguluhan, subalit handa sila kung kinakailangan, at handa sila na bantayan at ipagtanggol ang kanilang national security.

Umapela naman ang foreign ministry ng Taiwan sa China na maging makatuwiran at huwag pahinain ang kapayapaan at katagagan sa Taiwan Strait.

-- ADVERTISEMENT --

Iginiit din nito na mananatili ang democratic ideals ng Taiwan at hindi ito magbabago dahil sa pressure mula sa mga kapitbahay na mga bansa.

Matatandaan na nitong mga nakalipas na taon ay nagsagawa ng rehearsal ang China sa pamamagitan ng kanilang mga fighter jets at navy ships malapit sa teritoryo ng Taiwan.