Dapat na harapin umano ng bansa ang resulta ng kanilang ginagawang aksion sa West Philippine Sea.

Ito and sinabi ni Chinese Foreign Affairs Ministry Spokesperson Mao Ning nang matanong kung magbabayad ang China ng P60 million sa Pilipinas kasunod ng insidente sa Ayungin Shoal noong June 17, kung saan nasugatan ang isang Filipino sailor at nasira ang naval equipment ng ating bansa.

Una rito, sinabi ni Armed Forces of the Philippines (AFP) chief Gen. Romeo Brawner Jr. na personal siyang sumulat kay Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. kaugnay sa hiling na bayad ng AFP kung maaari itong ipadala sa Department of Foreign Affairs (DFA) upang ito ang magpaparating sa kanilang counterparts sa China.

Subalit, walang malinaw na sagot ang China kung magbabayad ito o hindi.

Iginiit din ni Mao ang kanilang pag-aangkin sa Ayungin shoal, at inaakusahan ang bansa na nagsasagawa ng iligal na resupply mission sa BRP Sierra Madre.

-- ADVERTISEMENT --

Subalit, matagal na itong ibinasura sa pamamagitan ng arbitral tribunal sa kanilang makasaysayang desisyon.

Ang Ayungin Shoal ay malinaw na nasa loob ng teritoryo ng Pilipinas.