Tinapos na ng China ang ilang dekadang pamamayagpag ng US sa men’s 4×100 meters medley swimming sa Olympics.

Nanguna si Pan Zhanle sa Chinese team na nagtala ng 45.92 seconds na mas mabilis kaysa sa 46.40 seconds na kaniyang naitala noong nakaraang linggo sa 100 meters finals.

Habang ang Team USA ay nagtapos ng 0.55 seconds sa Chinese team at pangatlong puwesto ay ang France.

Hawak kasi ng USA ang nasabing unang puwesto mula pa noong magsimula ang nasabing sports noong 1960.

Ito na rin ang pangalawang gintong medalya ng China sa swimming sa Paris Olympics na ang una ay noong pagkakuha ni Pan ng record.

-- ADVERTISEMENT --