
Hinatulan ng federal court sa New York ng 30 taong pagkakakulong ang Chinese billionaire at exile na si Guo Wengui matapos mapatunayang nagkasala sa kasong pandaraya na nagkakahalaga ng mahigit $1 bilyon.
Napatunayang nilinlang ni Guo ang libu-libong mamumuhunan sa pamamagitan ng pangakong malaking kita at mga luxury services, ngunit umano’y ginamit lamang ang pondo upang tustusan ang kanyang marangyang pamumuhay.
Naaresto si Guo noong 2023 sa kanyang luxury apartment sa Manhattan at nahatulan noong 2024 ng fraud, money laundering at iba pang financial crimes.
Si Guo, na lumipat sa Estados Unidos noong 2015, ay kilalang kritiko ng pamahalaan ng China at naging kaalyado rin ng dating adviser ni US President Donald Trump na si Steve Bannon.










