Nag-viral ang isang Chinese doctor dahil sa mabilis na pagbabawas niya ng timbang, kung saan 25 kilograms ang nabawas sa kanya sa loob lamang na 42 araw at pumasok at nanalo sa professional bodybuilding contest.

Nitong huling bahagi ng 2024, ang timbang ni Wu Tian Gen, 31-year-old, surgeon sa Zhongnan Hospital ng Wuhan University sa Hubei ay 97.5 kg o 215 pounds, kung saan ito ang kanyang pinakamabigat na timbang, subalit nitong katapusan ng January 2025, nabawasan ng 25 kilograms ang kanyang bigat at nanalo pa sa bodybuilding competition.

Bagamat hindi na siya nagbigay ng maraming detalye sa kanyang ginawa, sinabi niya ang kanyang motivation sa pagbabawas ng timbang ay kombinasyon ng personal ambition, kaya sumailalim siya sa physical training at binantayan ang kanyang diet.

Si Wu, na karaniwang tumutulong sa mga obese na mga pasyente na makapagbawas ng kanilang timbang ay gumagamit ng gastric bypasses, ay nagpasiya na kailangan niyang magbawas ng timbang upang makaiwas sa seryosong health problems.

Ito ay matapos na makita sa kanyang pagpapasuri na mayroon siyang fatty liver, dahil dito, hinamon niya ang kanyang sarili na magbawas ng timbang para sumali sa bodybuilding competition.

-- ADVERTISEMENT --

Noong una, dalawang oras siyang nagsasanay sa isang araw, habang ginagawa ang kanyang regular duties, na kinabibilangan ng tatlong surgeries sa loob ng isang linggo, dalawang araw na ward visits at araw-araw na research at consultations.

Sinabi ni Wu na ang kanyang motivation sa kanyang mabilis na weight loss program ay umaasa siya na maging modelopara sa mga nahihirapan na magbawas ng timbang.