Dismayado ang Chinese Embassy sa pahayag ng Philippine Ambassador to Czech Republic na si Eduardo Martin Meñez na inilalarawan ang kanilang bansa bilang “calculating at security-conscious country” pagdating sa usapin sa West Philippine Sea.

Ayon sa embahada, taliwas daw ito sa tungkulin ng isang diplomat na magpalakas ng ugnayan sa pagitan ng mga bansa.

Dahil dito, nakatakda silang makipag ugnayan sa Department of Foreign Affairs upang iparating ang kanilang pagkabahala, habang iginiit nilang “generally stable” umano ang sitwasyon sa South China Sea dahil sa pakikipagtulungan ng mga bansa sa ASEA, sa kabila ng patuloy ang mga ulat ng pangha-harass ng Chinese vessels sa mga Pilipinong mangingisda.