Isang humanoid robot na gawa sa China ang nakapagtala ng mas mabilis na oras kaysa sa 100-meter world record ng legendary Jamaican sprinter na si Usain Bolt.

Ayon sa state broadcaster ng China, tinawag na Lightning ang robot na dinevelop ng Chinese smartphone maker na Honor. Naitakbo nito ang 100 metro sa loob lamang ng 9.32 segundo sa isang preparatory test event para sa World Humanoid Robot Games sa Beijing.

Mas mabilis ito sa 9.58 segundo na world record ni Bolt na naitala noong 2009.

Umabot naman sa peak speed na 14.5 meters per second ang robot. Nakatakda rin itong makilahok sa mga kompetisyon para sa humanoid robots, kabilang ang mga event sa pagtakbo.

Patuloy na itinutulak ng China ang humanoid robots bilang isang strategic industry, lalo na para sa paggamit sa manufacturing, logistics at iba pang consumer applications.

-- ADVERTISEMENT --

Hindi rin ito ang unang pagkakataon na nagpakita ng mataas na performance ang Lightning.

Noong Abril, nanalo rin ito sa 21-kilometer Beijing half marathon sa oras na 50 minuto at 26 segundo—mas mabilis kaysa sa world-record pace ng elite human runners.