Ipinakita ng militar ng China ang isang robot dog na may automatic rifle na nakalagay sa kanyang likod sa military drills nito sa Cambodia kamakailan.

Sinabi ng isang sundalo na kinilalang si Chen Wei sa isang video, na magsisilbi ang nasabing dog robot bilang bagong miyembro sa kanilang urban combat operations, na papalit umano sa human members na magsasagawa ng reconnaissance, tutukoy sa kalaban at pupuntiryahin ang target.

Ang dalawang minutong video na kinuha habang isinasagawa ang China-Cambodia “Golden Dragon 2024” exercise ay makikita ang robot dog na naglalakad, lumulukso, humihiga at kumikilos ng patalikod sa na pinapagana ng isang remote control.

Sa isang drill, pinangunahan ng rifle-firing robot ang infantry unit sa isang simulated building.

-- ADVERTISEMENT --

Hindi na bago ang paggamit ng China ng robot dogs at maliliit na aerial drones dahil may isang video noong 2023 na highlight ang rifle-armed electronic canines ng bansa sa joint exercise ng China, Cambodia, Lao, Malaysia, Thailand at Vietnam na isinasagawa sa China nitong nakalipas na buwan ng Nobyembre.