Nakatakdang ipa-deport ang isang Chinese national na nakuhanan ng mga hinihinalang hacking equipment sa Makati City matapos na madiskubre na overstating na siya sa bansa.
Nasa kustodiya pa ngayon ng Bureau of Immigration ang nasabing dayuhan habang hinihintay ang kanyang deportation o pababalikin siya sa kanyang pinanggalingan na bansa.
Matatandaan na inaresto ng mga tauhan ng BI si Liu Yuhang, 32 anyos habang nasa tanggapan ng Criminal Investigation and Detetction Group sa Camp Crame, Quezon City dahil sa matagal nang nagpaso ang kanyang visa noon pang August 2022.
Dahil dito, itinuturing si Liu na “undesirable alien.”
Nabatid na dumating sa bansa si Liu noong 2018.
-- ADVERTISEMENT --