Iniulat ni SeaLight director Ray Powell na namataan nila ang paglapit ng isang research vessel ng China sa coastline ng Pilipinas kaninang umaga.

Ayon kay Powell, na-monitor ang Dong Fang Hong 3 sa layong 65 nautical miles bago nito tuluyang patayin ang kanilang tracking system.

Paliwanag pa nito, ang naturang barko ay may advanced oceanographic sensors, multi-beam sonar, at remotely operated vehicles kaya may kakayahan itong magsagawa ng seabed mapping, acoustic monitoring, at mga surveys ng underwater infrastructure.

Babala ng SeaLight director – bahagi umano ang naturang aktibidad sa “gray zone tactics playbook” ng China.

Pinagsasama aniya ng Beijing ang lehitimong scientific research at pagpapalakas ng kanilang pag-aangkin sa karagatan, at pagkolekta ng military intelligence.

-- ADVERTISEMENT --