Nagsasagawa ng imbestigasyon ang Philippine National Police Anti-Cybercrime Group sa umano’y pang-eespiya ng China sa Luzon matapos na mahuli ang dalawang suspek ng maraming makina na ginagamit na pag-intercept ng computer data.
Kinilala ng Police Regional Office 4-A ang dalawang suspek na sina “Christian” at “Marcie,” na kapwa mga Filipino, kung saan nahuli ang mga ito kahapon ng madaling araw matapos na may magbigay ng tip sa mga awtoridad na umano’y espoinage operation sa National Capital Region at Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon).
Sinabi ng informant sa mga pulis na ang ginagawang pang-eespiya ay isinasagawa sa isang Toyoto Rush sport utility vehicle, na dumadaan sa Bacoor area sa hatinggabi.
Nakita ng mga pulis na nagsasagawa ng “Oplan Sita” ang sasakyan at pinatigil ito sa Barangay Molino, Bacoor, Cavite.
Sa follow-up minvestigation, nalaman na si “Christian” ay residente ng Makati City habang si “Marcie” ay mula sa Quezon City.
Ang pang-eespiya ay pinapakilos umano ng mga hindi pinangalanang Chinese nationals.
Subalit batay sa police report, hindi pa mabatid kung sino ang target ng pang-eespiya ng mga suspek, o kung may data breaches na sangkot ang government o private entities.