TUGUEGARAO CITY-Ligtas sa nakamamatay na corona virus disease o covid 19 ang mga Chinese nationals na lulan sa apat na chinese vessels na dumaong sa port of Aparri sa probinsiya ng Cagayan .

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Gov. Manuel Mamba na kaagad pina-imbestigahan sa binuong Inter-Agency Task Force ang mga dayuhan para matiyak na hindi sila carrier ng epidemya.

Ayon kay Gov. Mamba na kinumpirma ng team na limang buwan na ang mga ito sa Zambales at wala naman umanong bagong galing sa bansang China.

Sinabi ni Mamba na ang team na nagsagawa ng pagsusuri sa kalusugan ng mga Pilipino at Tsinong crew members ay binubuo ng Coast Guard, Maritime Police, Bureau of Customs at lokal na pamahalaan sa pamumuno ni Health Officer Dr. Rowena Guzman-Manantan ng aparri.

Gayonpaman, inatasan ng gobernador ang team na gumawa ng opisyal na report na ilalabas sa araw ng lunes kasama na ang pagsisiyasat sa papeles ng mga barko kung mayroong pahintulot ang mga ito na dumaong dito sa lalawigan ng cagayan.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon sa report, ang mga pawang “dredging” vessels o panghukay na Silk Road (Xiang Yueng Huo) 12, 13, 14 at 16 ay nagmula sa Port of Sta. Cruz, Zambales.

Idinagdag ni Mamba na ang mga barko ay nakarehistro sa Riverfront Construction Incorporated na may business address sa Unit 101 Diamond Tower, 81 Mariveles St. Mandaluyong City at nakapangalan kay Feng Li bilang President/CEO.

Matatandaan na kabilang ang Riverfront sa mga nabanggit sa isinagawang board of inquiry ng provincial board sa umanoy isinasagawang black sand mining na nakatago umano sa dredging operations para mapalalim ang bukana ng ilog cagayan nitong nakalipas na taon. with reports from Bombo MArvin Cangcang