Naniniwala ang Commission on Human Rights na hindi mawawala ang katiwalian sa pamamagitan ng pagpapataw ng death penalty.

Tugon ito ng CHR sa panukalang batas na humihiling na ipataw ang death penalty sa pamamagitan ng firing squad sa mga mapapatunayan na nagkasala sa mga krimen na may kaugnayan sa korupsion, kung pinagtibay ng Korte Suprema ang desisyon.

Kinikilala ng CHR na isang mabigat na kasalanan ang korupsion, subalit hindi ito garantiya na epektibong solusyon sa nasabing problema.

Bukod dito, iginiit ng CHR na ipinagbabawal sa ilalim ng 1987 Constitution ang death penalty, at ang muling pagpapatupad dito ay binuwag noong 2006.

Idinagdag pa ng CHR na ang Pilipinas ay isa sa signatories sa Second Optional Protocol to the International Covenant on Civil and Political Rights na nagbabawal sa pagpapatupad ng death penalty sa bansa.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon sa CHR, na ang epektibong solusyon sa korupsion ay sa pamamagitan ng institutional reforms, pagpapatupad sa mga batas, at transparency at accountability mechanisms at governance systems.

Iginiit ng komisyon na ang anti-corruption campaigns at digital efforts ay dapat na nakatutok sa pagsusulong sa voter education upang magabayan ang mga mamamayan sa kanilang mga desisyon.