Iginiit ng Commission on Human Rights (CHR) na hindi isang malaking pagkakamali ang naganap na 1986 Edsa People Power Revolution na nagpabagsak kay dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Kasabay ng ika-34 na taong paggunita sa tinaguriang makasaysayang bloodless revolution, binigyang diin ni CHR Spokesperson Atty. Jaqueline Ann De Guia na patunay na mayroong nangyaring pang-aabuso sa karapatang pantao noong martial law ang 75,000 claimants kung saan 11,000 ang nabigyan ng bayad danyos ng Human Rights Victims’ Claims Board (HRVCB).

Sa halip aniya na tingnan bilang isang political aspect, sinabi ni De Guia na alalahanin ang diwa ng people power revolution bilang yugto ng kasaysayan na nagwakas sa pang-aabuso noong panahon ng batas militar

Sinisi naman ni De Guia ang paglaganap ng aniya’y historical revisionism na dala ng pagkalat ng mga fake news sa unti-unting pagkawala ng tunay na diwa ng EDSA people Power

Tanong tuloy ng tagapagsalita ng CHR na kailangan pa ba na maranasan ulit natin ang madilim na nakaraan bago makaugnay sa malagim nitong dulot.

-- ADVERTISEMENT --