Magsasagawa ng imbestigasyon ang Commission on Human Rights (CHR)sa ulat ng umano ay media harrassment sa coverage ng operasyon ng mga pulis sa pag-aresto kay Pastor Apollo Quiboloy sa Kingdom of Jesus Christ (KJC) compound sa Davao City.

Ayon sa 31 na mamamahayag, nakaranas sila ng verbal abuse, pagbabanta, harrassment, pananakot at pagpapahiya mula sa mga miyembro ng KJC sa standoff sa mga pulis mula August 24 hanggang September 8.

Sinabi ng CHR na kabilang sa kanilang mandato ang pagprotekta sa karapatan ng mga mamamahayag.

Ayon pa sa CHR, ang anomang uri ng harassment sa media workers ay pag-atake sa takbo ng pagbibigay ng makatotohanang impormasyon.

Matatandaan na sa National Press Week noong buwan ng Pebrero, inilunsad ng CHR ang ang kanilang Alisto! Alert Mechanism para sa media workers para isumbong ang mga paglabag sa kanilang mga karapatan.

-- ADVERTISEMENT --