TUGUEGARAO CITY- Magsasagawa ng hiwalay na imbestigasyon ang Commission on Human Rights kaugnay sa pagkakabaril ng mga pulis sa apat na sundalo sa Jolo, Sulu kamakailan.

Sinabi ni Atty.Jacqueline Ann De Guia, tagapagasalita ng CHR na kailangan na malaman ang tunay na nangyari sa sinasabing friendly fire shooting upang hindi na ito maulit.

Ayon sa kanya, palaisipan ang pangyayari dahil sa magkaibang spot report ukol sa nasabing pamamaril.

ang tinig ni De Guia

Samantala, galit umano ang mga kababayan ni Major Marvin Indammog, isa sa mga namatay sa nasabing pamamaril dahil sa paniniwala na sinadya ang pagpatay sa mga ito ayon kay Mayor Jaedicke Rhoss Dagadag ng Tanudan, Kalinga.

-- ADVERTISEMENT --

Kaugnay nito, sinabi ni Dagadag na bibigyan nila ng pagkilala si Indammog.

Si Indammog ay tubong Mangali, Tanudan, Kalinga at bahay sa Purok 1 sa Bulanao, Tabuk City.