TUGUEGARAO CITY-Nag-aalok ng E-lawyering services ang Commission on Human Rights (CHR)-central office sa mga biktima ng human rights violations.
Ito ang inihayag ni Atty. Joms Asalan ng policy advisory office ng CHR-Central Office sa isinagawang online community based dialogue kaugnay sa Anti-Terrorism Law,kahapon.
Ayon kay Atty. Asalan na maaaring ma-access ito sa pamamagitan ng website ng Commission on Human Rights kung saan maaaring ipadala ng mga biktima ng pang-aabuso sa karapatang pantao ang kanilang katanungan para masagot ng mga e-lawyers via online.
Sinabi niya na ang mga natatanggap na concern sa ibang rehion tulad ng rehiyon dos ay ibibigay sa opisina ng CHR sa rehion para ito ay matugunan.
Lahat aniya ng sa palagay nila ay nalabag ang kanilang karapatan ay maaring dumulog sa kanilang e-lawyering services.
Samantala, inihayag ng CHR na tuloy-tuloy ang gagawin nilang information education campaign ukol sa bagong batas na Anti-Terror Law para maiwasan ang pang aabuso sa implementasyon nito.