Isinulong ni Bicol Saro Partylist Representative Brian Raymund Yamsuan na mabigyan ng Christmas bonuses at iba pang insentibo ang mga barangay tanod.

Nakapaloob ito sa House Bill 10909 na inihain ni Yamsuan na layunin magkaroon din ng free legal assistance at insurance coverage ang mga barangay tanod.

Ayon kay Yamsuan, ito ay bilang pagkilala sa kanilang mahalagang serbisyo lalo na sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa bawat komunidad.

Samantala, kinilala naman ni House Deputy Speaker at Las Piñas Congresswoman Camille Villar bilang “unsung heroes” ng pamahalaan ang mga barangay kagawad.

Sa kanyang pagdalo sa National Congress of the Pederasyon ng mga Barangay Kagawad ng Pilipinas (PBKP) ay binigyang-diin ni Villar na napakalaki ng papel ng barangal councilors sa paghahatid ng serbisyo sa publiko ng lokal na pamahalaan.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon kay Villar, napakahalaga ng tungkuling ginagampanan ng mga barangay kagawad dahil sa mga ito nagsisimula at nararamdaman ang pundasyon ng ating demokrasya, kung saan makakatulog tayo ng mahimbing sa gabi na alam nating tahimik at payapa ang ating mga pamayanan.