Inaasahan ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) ang pagtaas ng mga biktima ng scams sa buwan ng Pebrero dahil sa mas maraming mamamayan ang maghahanap ng romance.
Ayon sa CICC, 15 mamamayan kada araw ang nabibiktima sa online love scams na mas kilalang “month of love.”
Sinabi ng CICC na ang pagiging mapagmahal at masipag ng mga Filipino ang dahilan kaya madali silang maging biktima ng katulad na online modus, kung saan niloloko ang isang tao para sa isang intimate relationship at kasunod ay hihingi na ng pera ang perpetrator.
Nagbabala ang CICC sa publiko laban sa ilang profile pictures sa social media na hindi totoo, at hinihikayat ang mga users na palagiang i-check kung siya ay nag-tag ng mga larawan.
Isa pang babala ay kung ang tao ay ayaw ng video call.
Ayon sa CICC, ang higit na nakakaalarma kung ang isang tao ay nanghihingi na ng pera o iniimbitahan ka na mamuhunan sa isang bagay.
Dahil dito, sinabi ng CICC na mahalaga na laging tignan ang profiles upang mabilis lamang na makita ang problema dahil karamihan sa mga ito ay love scams, mga dayuhan na “long distance relatioship,” kaya walang pagkakataon na kayo ay magkikita ng personal.