Naghain si Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) chief Police Brigadier General Nicolas Torre III ng reklamo sa Department of Justice laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa pagpatay sa mga nakaupong mga senador.
Sinabi ni Torre na kanyang inihain na reklamo para sa case build-up ay dahil sa unlawful utterances at inciting to sedition.
Una rito, sinabi ni Senator Ronald dela Rosa na biro lamang ang mga sinabi ni Duterte.
Subalit, sinabi ni Torre na hindi puwede ang mga katulad na mga pahayag at kinabukasan ay sasabihin na “joke only.”
Iginiit niya na hindi nakakatuwa ang palagian na lamang na sinasabi ni Duterte na “patay patay,” at kung sila ay babatikusin ay biglang sasabihin na biro lang ang mga sinabi o ang pinakahuli ay nagsasabi lang siya ng kanyang legal opinion.
Matatandaan na sa PDP-Laban proclamation rally, sinabi ni Duterte na makakakuha ng upuan sa senado ang kanilang mga kandidato kung papatay sila 15 senador.