
Namangha ang isang lalaki sa China na nakalimutan na nilunok niya ang isang cigarette lighter, 30 taon ang nakalipas, bilang hamon, nang gumana ang lighter matapos na tanggalin ito ng mga doktor.
Nakaranas ang lalaki na 67 anyos mula sa Chengdu, Sichuan province ng pananakit ng tiyan nitong nakalipas na buwan, subalit binalewala lamang niya ito, dahil sa akalang ito ay gastroenteritis lamang.
Pumunta lamang siya sa ospital matapos na hindi gumana ang kanyang ginawang medication at diet.
Lumala ang kanyang kundisyon, kung saan hindi siya makahiga nang walang nararanasang pananakit ng tiyan.
Matapos ang ginawang emergency gastroscopy, napansin ng mga doktor ang isang bagay sa kanyang tiyan.
Subalit nabigo ang mga doktor na tanggalin ito dahil sa madulas ito.
Ipinagpaliban muna ang pagtanggal sa nasabing bagay para alamin kung ano nangyari sa lalaki.
Nang tanungin ng mga doktor ang lalaki kung ano ang nasa kanyang tiyan, naalala niya na may nilunok niya ang isang lighter nang hamunin siya ng kanyang mga kainuman.
Dahil dito, ang ginawa ng mga doktor ang “condom-like” technique, kung saan binalot muna ang lighter bago ito hinila.
Bagamat nangitim na ang casing ng lighter dahil sa stomach acid, mayroon pa rin itong gas sa loob nito, at nagulat ang mga doktor dahil sa gumagana pa ito.










