Ipinag-utos ni Tuguegarao City Mayor Jefferson Soriano ang dalawang araw na massive disinfection sa buong lungsod na sisimulan sa araw ng Linggo, August 29.

Sa anunsiyo ng alkalde, sarado lahat ng mga establisyimento sa lungsod para sa gagawing citywide disinfection, kasama ang lahat ng tanggapan o opisina na nasa lungsod.

Ang Barangay at City naman ay magsasagawa ng disinfection sa kanilang mga pasilidad hanggang sa mga streets habang kanya-kanya ring disinfection ang isasagawa sa mga kabahayan.

Samantala, ilan sa mga naidagdag na panuntunan sa extended Enhanced Community Quarantine (ECQ) ay ang pagkakaroon ng sertipikasyon sa mga mga gumagamit ng COVID Shield Control Pass na makukuha sa mga Brgy upang matiyak na ang may hawak nito ang lehitimong nabigyan ng nasabing Control Pass.

Dahil na rin ito sa mga ulat na naabuso ang paggamit dito dahil nagkakaroon ng pasahan at hindi na naibabalik sa Brgy.

-- ADVERTISEMENT --

Ganito rin ang gagawin ng iba pang holder ng Control Pass tulad ng Vendor at Delivery Riders.

Para naman sa mga nagtratrabaho sa gobyerno at pribadong kumpanya, kinakailangan nang magkaroon ng sertipikasyon mula sa kanilang pamunuan na sila ay kabilang sa skeleton workforce, bukod pa sa ipapakitang valid I.D.

Magkakaroon din ng COVID 19 Composite Team ang pamahalaang panglungsod na siyang mag-iikot sa mga govt agencies at iba pang tanggapan para paalalahanan sa mga umiiral na guidelines ng lungsod lalo na at dito nag-uumpisa ang transmision ng COVID 19.

Hiniling din sa mga tanggapan o trabaho sa pagkakaroon ng sariling quarantine facility upang dito na lamang dalhin ang kanilang empleyado na magpopositibo dahil punuan na ang mga isolation unit ng lungsod.

Ipapatupad pa rin ang pagkakaroon ng zonal containment strategy sa mga bahay o compound na may hawaan ng nasabing sakit.

Wala namang nabago sa operasyon ng mga business establishments matapos hindi aprubahan ang kahilingan ng pamahaalang panglungsod na bawasan pa ang operasyon nito dahil hindi na ito masusunod ang guidelines ng ECQ na inilabas ng National Govt.

Bukas rin ang operasyon ng mga satelite markets at talipapas habang bawal ang mga ambulant at street food vendors.

Ipapatupad pa rin ang mga travel protocols, curfew hour at liqour ban.