Maaari nang mag-request ang mga gumagamit ng GCash ng birth, marriage, at death certificates, pati CENOMAR at CENODEATH, mula sa Philippine Statistics Authority (PSA) direkta sa app.

Sa ilalim ng partnership ng PSA, GCash, at Pilipinas Teleserv, inilunsad ang PSAHelpline Mini App na makikita sa GLife section ng GCash. Dito maaaring mag-request, magbayad, at tumanggap ng PDF copy ng mga dokumento.

Ayon kay PSA National Statistician Claire Dennis Mapa, layunin ng inisyatiba na pabilisin at paginhawahin ang pagkuha ng mga dokumento sa pamamagitan ng digital platform.

Maari ring kumuha ng e-certificates sa PSAHelpline.ph. Ayon sa PSA, maaaring matanggap ang soft copy sa loob ng isang araw at ito ay may buong legal na bisa.

Ang birth, death, at marriage certificates ay nagkakahalaga ng P290 bawat isa, habang P345 naman ang CENOMAR at CENODEATH.

-- ADVERTISEMENT --

Magpapatuloy pa rin ang door-to-door delivery at walk-in services para sa mga nais ng pisikal na kopya.