TUGUEGARAO CITY- Magkakaroon ng fun run bukas ang Civil Service Commission region 2 na dadaluhan ng iba’t ibang kawani ng government agencies, Local Government Units at ilang pribadong indibidual.

Sinabi ni Nerissa Canguilan, director ng CSC Region 2 na ang assembly time ay 4:00 am sa harap ng gusali ng Mines and Geoscience Bureau sa regional center ng Tuguegarao city at magsisimula naman 5:00 am.

Ayon kay Canguilan, ang fun run ay taunang isinasagawa ng kanilang tanggapan bilang bahagi ng pagdiriwang ng 119th anniversary ng CSC.

Sinabi niya na layunin ng fun run na makalikom ng pondo para sa ibibigay na financial assistance sa mga pamilya ng mga namatay na kawani o opisyal ng gobyerno dahil sa kanilang trabaho.

Bukod dito ay magbibigay din sila ng scholarship sa mga anak ng mga nasabing kawani.

-- ADVERTISEMENT --

Ito aniya ay sa ilalim ng “Pamana Lingkod Bayani Fund”

Sinabi ni Canguilan na 14 na ang nabigyan ng financial assistance sa rehion sa ilalim ng nasabing programa.