Overseas Workers Welfare Administration

TUGUEGARAO CITY-Nanawagan ang Overseas Workers Welfare Administration sa mga Overseas Filipino workers(OFWs) sa bansang Libya na umuwi na sa bansa kasunod sa nangyayaring civil war sa nasabing bansa.

Sa naging panayam kay Hans Leo Cacdac , Administrator ng OWWA ,ito’y dahil hindi na umano nasisiguro ang kaligtasan ng mga ito dahil sa nagaganap na kaguluhan.

Ayon kay Cacdac,dapat samantalahin na umano ng mga pilipinong manggagawa ang ginagawang safe repatriation para makauwi na sa bansa.

Aniya, may ibibigay naman umanong ayuda ang pamahalaan kung saan tatanggap ng P10,000 cash at P20,000 na livelihood assistance ang mga uuwing OFW na galing sa nasabing bansa.

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon, sinabi ni Cacdac na mayroon na umanong 40 OFWs ang boluntaryong lumapit sakanilang himpilan kung saan 11 na umano dito ang pauwi na sa bansa at ang natira ay kasalukuyan nang inaayos ang kanilang plane ticket.

Nabatid na umaabot sa 2,500 ang OFW sa libya na karamihan ay mga nurses.