Sisimulan na sa araw ng Sabado, August 3 ang pagtanggal sa mga illegal structure at ilegal na nakaparadang mga sasakyan sa lansangan ng lungsod ng Tuguegarao.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni na P/Cpt Sharon Mallillin ng Cagayan Police Provincial Office (CPPO), na magbibigay ng suporta ang pulisya sa LGU-Tuguegarao sa nakatakdang clearing operation na sisimulan sa pambansang lansangan sa Caggay to Pengue Ruyu hanggang sa Barangay Carig.

Ito ay alinsunod sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na i-reclaim ang mga kalsada na hindi na nagagamit dahil okupado ng mga nagtitinda, mga business establishment at illegal parking.

Ayon kay Mallillin, ang operasyon ay sisimulan sa lungsod at isusunod ang paglilinis sa anumang obstruction sa lansangan sa ibang mga bayan sa Cagayan.