Tuguegarao City- Sinimulan na ng Department of Agriculture Region 2 ang pagsasagawa ng Cloud seeding operation bilang tugon sa epekto ng mainit na panahon sa pananim ng mga magsasaka.

Sa panayam kay Roberto Busania, Regional Technical Director for Operations and Extension, una ng nagsagawa ng cloud seeding sa bahagi ng Alicia at Echague at isusunod pa ang ibang lugar sa rehiyon.

Paliwanag nito na sa pagsasagawa ng naturang hakbang ay kailangan ding ikonsidera ang kwalipikadong kondisyon ng mga ulap.

Sinabi pa niya na tinatayang aabot sa 231K na ektarya ng mais at 155K na ektarya ng palay ang makikinabang sa nasabing operasyon.

Inilunsad ng DA Region 2 ang pagsasagawa ng cloud seeding upang tulungang makarekober ang mga panamim ng mga magsasakang nasa vegetative at flowering stage.

-- ADVERTISEMENT --

Sa pagtaya naman ng PAG-ASA ay aasahang nasa below normal ang rain fall sa darating na buwan ng Agosto na malaking tulong sa mga magsasaka upangng hindi maapektohan ang pananim sa gitna ng tindi ng init ng panahon.