Pumasok ang co-defendants ni Kingdom of Jesus Christ leader Pastor Apollo Quiboloy, na kinilalang sina Amanda Estopare at Guia Cabactulan, sa visa fraud case sa US sa plea agreements sa United States Attorney’s Office sa California.
Sa Attorney’s Office, inamin nina Estopare at Cabactulan ang pagkakasangkot nila sa KOJC visa fraud operation.
Base sa court documents, simula 2015 hanggang January 29, 2020, may kasunduan ang defendants at iba pa na magsagawa ng marriage fraud.
Inayos nila ang pekeng kasal ng KOJC members, na ipinadala ni Quiboloy sa US, sa KOJC members na US citizens upang makapag-apply sila ng permanent resident status.
Sa ilalim ng 17-page plea agreement, maaaring maharap sina Cabactulan at Estopare na kapwa KOJC officials sa America, sa hanggang limang taong pagkakakulong at $250,000 piyansa.
Nakatakdang talakayin ng korte ang kasunduan sa susunod na linggo, kung saan maaaring itakda ang petsa ng pagsentensya.