Pinuna ng state auditors ng Department of Education (DepEd) kaugnay sa feeding program noong 2023.

Ito ay matapos na madiskubre ang delays sa delivery, o may pagkakataon na walang delivery ng nutribun at gatas na para sa mga estudyante sa tatlong rehion.

Natuklasan din na ilan sa food items ay hindi na maaaring kainin dahil sa inamag na dahil sa nag-expire na mga ito.

Batay sa audit observation para sa fiscal year 2023 sa DepEd na pinamumunuan pa noon ni Vice President Sara Duterte, iniulat ng nasa 21
Schools Division Offices (SDOs) ng delays o nondelivery ng food products at pastuerized milk para sa School Based Feeding Program (SBFP).

Ayon sa COA, ang SBFP ay may pondo na P5.9 billion.

-- ADVERTISEMENT --

Subalit, nadiskubre ng state auditors ang mga problema sa mga pagkain na dapat na maisilbi sa mga estudyante bilang bahagi ng pangako ng DepEd na magkaloob ng good nutrition sa learners.

Nakita ng audit team sa regional offices ng Metro Manila, Central Luzon at Northern Mindanao ng DepEd na may unsanitary packaging, kuwestionableng expiry dates, o may peste o amag sa mga tinapay na para sana sa mga estudyante.