Naniniwala si coach Tim Cone na nawala umano ang oportunidad sa mga koponan ng NBA na magkaroon ng isang magaling na player at teammate sa katauhan ni Justin Brownlee na patuloy na naginging makulay ang kanyang karera sa Gilas Pilipinas.
Si Brownlee ang pinakamalaking player ng Gilas na abot-kamay na ang pagpasok sa Paris Olympics matapos na pangunahan ang koponan sa average na 27 points, 8.5 rebounds, at 8.5 assists na nagbunsod para makarating sila sa semifinal ng the Fiba Olympic Qualifying Tournament (OQT) in Riga.
Hindi nasurpresa si Cone sa magandang mga laro na ipinakita ng matagal nang import ng Barangay Ginebra subalit ipinaalala niya ang hindi nakitang pagkakataon ng NBA buhat nang hindi makasama si Brownlee noong 2011.
Naglaro lamang si Brownlee sa G-League sa Maine Red Claws at NBA Summer League sa New York Knicks in 2012.
Hindi lamang si Cone ang pumuri kay Brownlee.
Tinawag ni Kai Sotto si Brownlee na “Michael Jordan of Philippine basketball” habang sinabi naman ni Dwight Ramos na pinakamagaling na teammate na kanyang nakasama.