
Inanunsyo ng Commission on Elections (Comelec) na magsisimula ang paghahain ng certificate of candidacy (COC) para sa 2026 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) mula Setyembre 28 hanggang Oktubre 5, 2026.
Ayon sa Comelec Resolution No. 11191, gaganapin ang halalan sa Lunes, Nobyembre 2, 2026, mula alas-7 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon. Agad na susundan ng bilangan at proklamasyon ng mga nanalo ang pagsasara ng botohan.
Magsisimula ang election period sa Oktubre 3 hanggang Nobyembre 9, habang ang campaign period ay mula Oktubre 22 hanggang Oktubre 31, 2026.
Kasama sa mga ipagbabawal ang nationwide gun ban simula Oktubre 3, vote-buying at vote-selling, pagbabago ng voting precincts, paggamit ng security personnel ng mga kandidato, at fundraising sa pamamagitan ng sayawan, lotto, at sabong.
Magpapatupad din ng liquor ban sa bisperas ng halalan, habang mahigpit na ipagbabawal ang pangangampanya at iba pang election-related activities sa mismong Araw ng Halalan.










