Sumailalim sa pagsasanay sa paggawa ng souvenir items ang nasa 25 miyembro ng “Papaltungon Coffee Growers Association” sa bayan ng Balbalan, Kalinga.

Ito ay sa pangunguna ng Department of Science and Technology (DOST) sa ilalim ng programng “Community Empowerment Thru’ Science and Technology”.

Sinanay ang mga nagtatanim ng kape sa paggawa ng key chain, refrigerator magnet, necklace, earing, bracelets, dekorasyon, furniture at iba pang wood based souvenir items gamit ang coffee timber cut.

Kasabay nito, namahagi rin ang DOST ng kagamitan sa mga benepisyaryo mula sa Sitio Bullalayaw, Pantikian, Balbalan na gagamitin sa wood products processing.

Nabatid na regional winner bilang best community empowerment thru science and technology o cest community ang balbalan sa rehiyong Cordillera

-- ADVERTISEMENT --

Napag-alaman na ang pagbebenta ng mga souvenir items ay kabilang sa mga pangunahing pinagkakakitaan ng mga mamamayan ng Kalinga kung saan patunay dito ang isinagawang Matagoan Patawid Fair na umabot sa P4.8 million ang napagbentahan.

Ang CEST ay isang programa sa inisyatiba ni DOST Secretary Mario Montejo para matulungan ang mga mahihirap na komunidad sa bansa sa pamamagitan ng livelihood, basic education, disaster risk reduction management, health and nutrition at water and sanitation.