TUGUEGARAO CITY-Nagsagawa ng change of command ang 503rd Infantry Brigade, Philippine Army sa Brgy. Calanan, Tabuk City.
Sa turn-over ceremony, pinalitan ni Col. Santiago Enginco si Brig. General Henry Doyaoen sa pamumuno ng 503rd Infantry Brigade ng Philippine Army.
Pinangunahan ni Major Gen. Laurence Mina, commander ng Fifth Infantry Division ang seremonya na dinaluhan ni Mayor Gabino Ganggangan ng Sadanga at iba pang lokal na opisyal.
Sa kaniyang talumpati, inihayag ni Col. Enginco na kanyang ipagpapatuloy ang mga nailatag na programa ni outgoing Brigade Commander Doyaoen.
Tubong Lipa, Batangas si Col Enginco kung saan nagsilbi bilang Assistant Division Commander for Retirees and Reservists Affairs ng Fifth Infantry Division sa Gamu, Isabela bago ang kaniyang pagkakatalaga bilang Acting Commander ng 503rd Brigade.
Itatalaga naman si B/Gen Doyaoen bilang Deputy Commander ng North Luzon Command (NOLCOM).
Pinamunuan ni Doayoen ang 503rd Brigade mula December 1, 2018 hanggang November 18, 2020. with reports from Bombo Marvin Cangcang