
Naihain na ngayong araw ni Senador Win Gatchalian sa Senate Bills and Index Section ang isa sa mga panukalang batas na naglalayong gawing tatlong taon na lang ang kolehiyo mula sa apat na taon.
Kamakailan, nabanggit na ng senador ang plano niyang ito upang mapabilis ang pag-aaral ng mga kabataan at maiwasan ang redundancy ng general education subject sa kolehiyo.
Pero paglilinaw ng senador, maaring hindi sundin ang tatlong taon na kanyang itinakda kung base sa batas ay kailangan ng isang kurso ng mas mahabang oras o para sa licensure.
Ipinunto naman ng senador na ginagawa na ito ng ibang bansa tulad ng Germany, Italy, France at Portugal, kung saan pinapatupad nila ang 3 years structure sa kolehiyo at karagdagang dalawang taon para sa masteral degree.
Umaasa naman ang senador na susuportahan ito ng kanyang mga kasamahan sa kongreso.