
Tiniyak ng Commission on Elections (COMELEC) na handa na sila para sa nalalapit na Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) parliamentary election at Barangay at Sangguniang Kabataan (BSKE) elections.
Ayon kay COMELEC Chairman George Garcia, naging maayos ang kanilang command conference kasama ang Philippine National Police (PNP) at iba pang law enforcement agencies para sa seguridad ng dalawang halalan.
Dagdag niya, handa na ang COMELEC sa paghahain ng kandidatura para sa BARMM elections na inaasahang magsisimula sa susunod na buwan.
Inamin din ni Garcia na isa sa mga hamon ngayon ay ang pondo, kaya kailangan umanong magtipid ang ahensya dahil sa kasalukuyang krisis sa enerhiya.










