TUGUEGARAO CITY-Aminado ang Commission on Election (COMELEC) na malaking hamon parin sakanila ang pagmonitor sa pangangampanya ng mga kandidato sa pamamagitan ng social media.
Ayon kay Regional Director Atty Julius Torres ng COMELEC,ito’y dahil wala pang naibababang regulasyon kung paano maghihigpit sa pangangampanya gamit ang social media.
Aniya, nagsisimula parin umano ang kanilang tanggapan na maglabas ng mga panuntunan at sinusubukan parin umano nila na makasunod sa takbo ng teknolohiya lalo na at social media na ang may pinakamalawak na saklaw ng pangangampanya sa ngayon.
Dahil dito, sinabi ni Torres na isa sa mga magiging requirement ng mga kandidato ang pagbibigay ng social media accounts para mamonitor ang ginagawang pangangampanya ng mga kandidato.