Inaprubahan ng Commission on Elections (Comelec) en banc ang karagdagan na service credits ng government personnel na magsisilbi sa Eelekyon 2025 mula sa limang araw sa 10 araw.

Sa resolusyon, inaprubahan ng poll body ang panukala ng Law Department nito na dagdagan ang service credits ng mga guro at civil service workers na magsisilbi na mga miyembro ng Electoral Board, Department of Education Supervisor Official (DESO), at support staff.

Ipinaliwanag ng Comelec na pinapahintulutan sa ilalim ng Republic Act No. 10756 o ang Election Service Reform Act (ESRA) Law ang pagkakaloob ng karagdagan na service credits.

Gayunman, sinabi ng Law Department na ang dagdag na credits ay dapat na nakatugon sa guidelines sa leave privileges kasabay ng rekomendasyon nito na magkaroon sila ng pulong sa Civil Service Commission (CSC) at Department of Education (DepEd) para talakayin ang computation at aplikasyon ng service credits para sa election services.

Sa pinakahuling datos mula sa Comelec, nakatakda itong magsanay ng mahigit 186,000 na mga guro na magsisilbing EB members at nasa 7,000 na mga pulis na magiging substitute ng mga guro.

-- ADVERTISEMENT --

Itinakda ang pagsasanay sa mga ito mula March 3 hanggang March 31, 2025.