
Kinansela at inalis ng Commission on Elections (COMELEC) sa listahan ang rehistro ng 50 party-list groups na hindi makalalahok sa 2028 national at local elections dahil sa hindi pagtugon sa mga itinakdang pamantayan.
Sa ilalim ng COMELEC Resolution 11281 na inilabas noong Oktubre 15, kabilang sa mga tinanggal ang Bayan Muna at Magdalo dahil sa hindi paglahok sa nakaraang dalawang halalan o hindi pagkamit ng kinakailangang boto at puwesto.
Kabilang din sa mga apektado ang AKO, A TEACHER, BUHAY, DIWA, PAMILYA MUNA, Pinoy Ako at Turismo, kasama ang iba pang grupong hindi nakakuha ng hindi bababa sa dalawang porsiyento ng boto at puwesto sa ikalawang round ng seat allocation.
Nilinaw naman ng COMELEC na hindi nito isinasara ang posibilidad ng iba pang hakbang laban sa mga party-list at kanilang nominees, kabilang ang mga petisyon para sa kanselasyon o diskuwalipikasyon kaugnay ng 2028 elections.










