Kumpiyansa ang Commission on Elections (Comelec) na magiging payapa at tahimik ang eleksyon sa Lunes, May 12.

Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, umaasa din siya na mabilis na matatapos ang botohan dahil na na-set-up na ang mabilis na sistema at proseso para masigurado ang mabilis din ang pagproklama sa mga mananalong kandidato.

Kasabay nito, umapela si Garcia sa publiko na maniwala sa electoral process at huwag maniwala sa fake news.

Pinaalalahanan din ni Garcia sa national at local candidates para sa May 12 elections na tanggalin ang kanilang malalaking campaign materials sa mga lansangan ngayong araw na ito.

Ayon kay Garcia, dapat 12:01 a.m. bukas ay natanggal na ang mga naglalakihang campaign materials.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi ni Garcia na naghain ang Taks Force Baklas ng mahigit 50 complaints laban sa mga kandidato na hindi tumugon sa kanilang mga paalala at abiso tungkol sa illegal campaign materials.

Ayon kay Garcia, kahit sa mismong araw ng halalan, pwede silang maghain ng kaso para hindi maproklama ang mga patuloy na hindi susunod sa mga patakaran sa halalan.